270 - Sanlinggo na Nama'y Nanaw

Sanlinggo na nama'y nanaw,
Ang Sabado ay dumating;
Kaluluwa, sa lubungin
Itong pinagpalang araw.

Parito't iyong purihin
Ang Panginoong nagbigay
Nitong binasbasang araw
Na tinanging ipangilin.

Ang pagpupuri'y awitin
Sa Panginoong maykapal,
Araw na kapahingahan
Sa kay Cristo ay tanggapin.

Ang Sabado'y siyang tunay,
Dapat nating ipangilin,
Talagang inihabilin
Sa iglesia na ingatan.

0:00 0:00